Lunes, Disyembre 3, 2012


                               Ang Kabihasnang Indus sa Asya

Mga Layunin
1.    Malaman kung paano umunlad ang unang kabihasnang Indus sa Asya;
2.Bakit Bumagsak ang mga matatandang lugar sa India?
3. Malaman kung bakit mahalaga ang Indus River sa sinaunang kabihasnang umusbong sa India;
4. Malaman ang sistemang caste sa India.

Timog Asya Map
   Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang
·       India
·       Bangladesh
·       Afghanistan
·       Bhutan
·       Sri Lanka
·       Nepal at
·       Maldives
·   Pakistan
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
   Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng India

Mga labi ng Mohenjo-Daro

Mga labi ng Harappa

   Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.

Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
                          India.
   Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.

   Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
   Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at 
            nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.

   Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
   Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Harappa (2700 B.C.E – 1500 B.C.E.)

   Ang kabihasnan ng Harappa ay hango sa matandang lungsodng Harappa na natuklasan sa Lambak Indus at tinatayangumusbong noong 2700 B.C.E.

Harappa – ay matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi
                      ng Pakistan.
   Sa kabilang dako, ang
Mohenjo-Daro – ay nasa katimugang bahagi ng daluyan ng
                               Indus River.

   Ang bawat lungsod na ito ay may sukat na halos isang milyakwadrado at tinatayang may halos 40,000 katao. Maayos angmga lungsod na ito sapagkat planado at malalapad ang mgakalsada. Ang mga gusali ay hugis-parisukat at mga kabahayan ay may malawak na espasyo. Ang ilang mga kabahayan dito ay may ikalawang palapag.

   Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ayitinuturing na kauna-unahang paggamit ng sistemangalkantarilya o sewer system sa kasaysayan.

   Ang unang Harappan ay nanirahan sa maliliit na pamayanan. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi nglupain, may mainit na klima, at wala halos mapagkukunan ngsuplay ng bakal. Sa loob ng ilang libong taonang mgamagsasakang Harappan ay nakakakuha ng mga bakal, mamahaaling bato at tabla sa pamamagitan ng pakikipagpalitanng kanilang mga produkto tulad ng bulak, mga butyl at tela.

   Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mgaHarappan. Sila ay nag-aalaga ng mga hayop tulad ng elepante, tupa at kambing. Maaaring sila rin ang mga kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito.

   Ang lipunang Harappan ay kinakitaan ng malinaw napagpapangkat-pangkat ng mga tao. Ang ganitong dibisyon salipunan ay mananatili sa India hanggang sa kontemporaryongpanahon.

   Ang mga Harappan ay natatag ng mga daungan sa Arabian Sea at ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayinpatungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mgaprodukto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise at ivory. Ang ilang mga selyong Harappan ay natagpuan saSumer. Ang mga selyong (seal) ito ay may pictogram para kilalanin ang mga paninda.

   Narating ng mga Harappan ang tugatog ng kanilangkabihasnan noong 2000 B.C.E., kasabay halos ng pagsisimulang New Kingdom sa Egypt. Subalit matapos ang isangmilenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan at kulturangumusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. AngMohenjo-Daro ay nilisan ng mga tao dahil sa panganib nadulot ng mga sumalakay na tribu. Ang Harappanna 350 milyaang layo mula sa Mohenjo-Daro pahilaga, ay nasira dahil sakagyat na pagsalakay ng mga Aryan noong 1500 B.C.E.

   Ang mga Aryan ay pinaniniwalaan nagmula sa mga steppe ngAsya sa kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asyasa pamamagitan ng mga makikipot na daanan sa kabundukan. Sila ay mas matatangkad at mas mapuputi kung ihahambing samga naunang tao sa lambak ng Indus. Hindi nagawang masupilng mga taga-Harappa ang tapang ng mga Aryan kung kaya’t angkaramihan sa kanila ay nagtungo sa katimugang bahagi ngIndia. Samantala, ang mga naiwan ay naging alipin. Sa kabilanitoang ilan sa mga salik ng kanilang kabihasnan ay nanatili at naging bahagi ng pamumuhay ng mga Aryan.

sistemang caste

Caste – ang terminong ito ay hango sa salitang casta na
                nangangahulugang “angkan”.

Antas ng tao sa lipunan
1.    Brahmin (brak’-min) – mga kaparian
2.    Kshatriya (ksha-tri-yaz) – mga mandirigma
3.    Vaisya (vi-shyas) – ang mga pangkaraniwang mamamayan na
                                      maaaring mga mangangalakal, artisano,
                                        magsasaka  at iba pa;
4.    Sudra (shoo’-draz) – pinakamababang uri sa lipunan na
                                        maaaring ang mga nasakop na mga 
                                        Indian at maging ang mga inanak o 
                                        inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng 
                                        hindi Aryan.
   Maliban pa rito, meron din isang antas na tinatawag na
outcaste o mga untouchable – isang malaking pangkat ng mga 
                                                        tao na tinuturing  nilang hindi 
                                                        kabilang sa lipunan. 
                                                     - Sila ang pinakamababa sa mga 
      antas ng tao.
-         Ilan sa mga Gawain ng mga taong kasapi rito ay angpaglilinis ng kalsada, pagsusunog ng mga patay at pagbitay sa mga kriminal.
-         Ang mga trabahong ito ay itinuturing nilang pinakamababa sa lipunan.



Noong Sinaunang panahon, Ano ang ginagawa ng mga emperyo upang mas lumakas ang kanilang kapangyarihan?

sagot: Ang PANANAKOP sa paraang ito napapalawak nila ang kanilang Relihiyon,Pamamalakad at Kultura.

Proyekto sa Araling Panlipunan Nina:

JOHN RYAN C. BOGNOT
JULIET DELO SANTOS
CLEO TANGLAO
MARC BASILIO
RICALYN SANDOVAL